Umapela si Social Security System (SSS) Commissioner Jose Gabriel La Viña sa pamahalaan na magsagawa ng independent external audit sa umano’y insider trading scam na kinasasangkutan ng apat na opisyal ng ahensiya.

“This type of insider trading is beyond our capacity to investigate. It requires forensic accounting and other capabilities which the SSS doesn’t have,” pagdidiin ni La Viña.

Sinabi ni La Viña na sinampahan na ng administrative complaint sina SSS executive vice president Rizaldy Capulong, Equities Division chief Reginald Candelaria, Equities Product Development head Ernesto Francisco Jr., at Chief Actuary George Ongkeko Jr.

Inaakusahan ang apat na opisyal na pinagkakakitaan ang kanilang posisyon sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanilang stocks gamit ang stockholders na nangangasiwa sa portfolio ng SSS. - Rommel P. Tabbad

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji