Ni NITZ MIRALLES
SA gala premiere pa lang sa 2017 Cinemalaya, nabanggit na nina Cong. Alfred Vargas at writer/director ng Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa na magkakaroon ng commercial release ang kanilang pelikula. Sa December 6, matutupad na ito dahil ipapalabas na ang controversial movie, kaya masayang-masaya ang lahat na involved sa pelikula.
Controversial ito dahil nabigyan ng X-rating ng MTRCB sa first review at akala’y hindi na maipapalabas sa commercial theaters. Pero sa presscon, masayang in-announce ni Direk Perrry na PG 13 ang bagong rating na ibinigay sa pelikula ng MPJ Entertainment.
“Nagbigay ng guidelines ang MTRCB at pinag-aralan namin at kinailangang alisin ang ilang eksena. May mga eksena, gaya ng torture scene na ayaw kong tanggalin dahil makatotohanan ‘yun at ayaw kong ipagkait ‘yun sa moviegoers. In-edit ko at happy ako sa new version. Malaking bagay sa amin ang bagong rating na PG 13 para mapanood ng kabataan,” pahayag ng direktor.
Ano ang reaction ni Alfred sa magandang balitang ito?
“Masaya kami na sa commercial run, PG 13 na ang rating ng movie. Mas marami ang makakapanood at gusto kong mapanood ito ng mga kabataan. Hindi ako sanay ma-X ang movies ko, ‘yung movies ko sa Seiko Films dati, hanggang R-16 lang.
Nagulat talaga ako sa X-rating dahil totoo ang ipinakita sa pelikula. Pero nag-adjust kami, we’d rather have a lot of people watch Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa kesa hindi ito mapanood. You can just imagine paano kami devastated.”
Everybody happy na ngayon at excited ang cast na i-promote ang pelikula. Malaking bagay na umikot na sa different schools ang movie at plano ng mga producer na pagkatapos ng commercial run, ituloy nila ang school tour para mapanoood ng mas marami pang kabataan.
“May mga naka-schedule na block screening at isa rito ang block screening sa Fairview Terraces for my constituents.
Manonood ang constituents ko sa ayaw at sa gusto nila,” pabirong sabi ni Alfred.
Co-stars ni Alfred sa pelikula sina Mon Confiado, James Blanco, Loren Burgos,Alvin Barcelona, Garie Concepcion, Lianne Valentin, Kiko Matos, Lorraine Salvador at Lou Veloso at child actors na sina Miggs Cuaderno, Micko Laurente at March Justine Alvarez.