Aabot sa 22 milyong katao ang nawawalan ng tirahan at tinatayang US520 bilyon ang nalugi dahil sa kalamidad sa buong mundo bawat taon.

Ayon kay Senador Loren Legarda, magiging malala pa ito sa mga susunod na taon kung walang paghahanda na ipatupad ang ating bansa at ang buong mundo.

Sa kanyang talumpati sa paglunsad ng National Resilience Council ng 2017 Top Leaders Forum kahapon, sinabi ni Legarda na kabilang sa mga dapat pagtuunan ng pansin ay ang pagtaas ng hazard exposures, mabilis na urbanisasyon, at labis na pagkunsumo ng mga enerhiya.

Tiniyak ng pribadong sectors ang buong pagsuporta sa anumang hakbang ng pamahalaan para malabanan ang kalamidad na tatama sa bansa at sa buong mundo.- Leonel M. Abasola

Tsika at Intriga

Tito Sotto binara kampo ni Darryl Yap, ibang 'Vic' daw nakatanggap ng script