KABUUANG 10,000 kabataan mula sa 12 lungsod at lalawigan sa buong bansa, kabilang ang mga biktima ng karahasan sa Marawi City ang nabigyan ng tulong at suporta para maiutos ang kanilang kaisipan sa sports – sa pamamagitan ng Children’s Games ng Philippine Sports Commission-Philippine Sports Institute simula nitong Mayo.

Ibinida ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ang kahalagahan nang pagbibigay ng atensyon sa mga kabataan na aniya’y siyang future ng bansa hindi lamang sa sports bagkus maging sa iba’ ibang larangan.

“We have 10,000 children playing with us since we launched the Children’s Games that has been cited by Unesco. We made 10,000 children happy and Unesco appreciated us for that,” pahayag ni Ramirez.

“Hindi lang ito laro-laro, may malaking implication sa values ng mga bata lalong-lalo na sa peacemaking.”

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nagsagawa ng iba’t ibang programa sa ilalim ng Children’s Games programa sa Baguio City, Benguet, Laoag, Ilocos Norte at Bontoc sa Luzon na kinapalooban ng 3,500 participants; habang nakiisa ang maraming estudyante sa elementary at high school sa Children’s Games sa Naga, Cebu, Carcar ang bulubunduking lugat sa Visayas na may kabuuang 4,200 kalahok.

Sa Davao City at Iligan City, binigyan ng ayuda ang mga batang ‘bagwit’ para maibsan ang pangamba na nagsisimulang bumalot sa kanilang damdamin at kaisipan. Kabuuang 2,300 kabataan ang binigyan ng kasiyahan ng programa.

Sa kabila nito, maraming negatibing reaksiyon ang ibinabato sa Children’s Games, ngunit ipinag-kibit balikat ito ni Ramirez.

“The Constitution also mandated us to nurture the children, promote values formation thereby improving the citizens’ quality of life. Giving value to the children has an institutional foundation. The children are the future of the country,” pahayag ni Ramirez.

Kasabay nito, kabuuang 23 grassroots coaching seminars ang inisponsoran ng PSC sa Basista, Pangasinan; Navotas City; Tagum City; Butuan City; Marawi City; Laoag, Ilocos Norte; Occidental Mindoro; Muntinlupa City; Vigan; Abra; Isabela, Kalinga, Ifugao; Dagupan City; Malolos, Bulacan; Quirino; Aurora; Abra; Cavite; Camarines Sur; Surigao del Norte; at Legazpi City.

Nagsagawa naman ang PSI ng Smart Mapping Action Research Talent (Smart) ID Train the Trainers program sa Tagum City, Puerto Princesa City, Vigan at Cebu City.

The PSI also conducted six consultative meetings in Marawi City, Occidental Mindoro, Surigao del Norte, Abra, Laoag and Cavite.

Kaakibat din ang programa ng Pangulong Rodrigo R. Duterte na labanan ang droga, nagsagawa ng sports activity ang PSI sa Basista, Pangasinan; Navotas City at Palaro Kontra Droga sa Smokey Mountain sa Tondo, Manila.

Pinangangasiwaan naman nina PSC Commissioners Charles Raymond A. Maxey, Arnold Agustin, Ramon Fernandez at Celia Kiram ang iba’t ibang programa sa Children’s Games.