Ni: Reggee Bonoan
KAPAG nagkataon, puwede nang hindi magbanat ng buto ang aktor kapag nagkatuluyan sila ng super rich na aktres na nali-link sa kanya ngayon.
Napakayaman pala ng aktres sa bayan nito at dalawa lang silang magkapatid na tagapagmana sa maiiwan ng magulang.
Sikat na negosyante, mababait at kilala ang pamilya ng aktres sa probinsiya nito pero nagtataka ang mga kababayan nila kung bakit ayaw tumulong sa kanilang negosyo ang dalaga at mas gusto pang mag-showbiz.
“Sobrang yaman talaga nila as in,” kuwento ng nakausap naming nakakakilala sa pamilya ng aktres. “Ang daddy niya naka-Lamborghini na umiikut-ikot doon.”
Pero sa pagkakakilala namin sa aktor, hindi siya ‘yung tipong parasite na aasa sa pinagpaguran ng iba. Kaya tiyak na hindi siya papayag na hindi magtrabaho, at higit sa lahat ay breadwinner siya ng pamilya nila.
Pero sana umamin na ang aktor at aktres sa relasyon nila bago pa man natin mabalitaan na hiwalay na pala sila.