Ni: Reggee Bonoan
“IT’S not me! Luma na ‘yan.”
Ito ang mariing sabi ni Jao Mapa nang tanungin namin tungkol sa usap-usapang kumakalat sa social media na sex video raw niya kasama ni Carlos Agassi.
Sinabi namin ang mga nabasa naming komento na nagsasabing siya raw talaga ang nasa video.
“Poser lang ‘yan, years ago pa ‘yan, lumang balita na ‘yan,” paliwanag ng aktor.
May ideya ba siya kung sino ang nagpapakalat nito na ipinipilit na siya raw ang nasa video?
“No idea,” aniya.
Nu’ng una raw itong lumabas ay nagkibit-balikat lang si Jao dahil alam niyang hindi siya at hindi naman daw niya iyon gagawin.
“Painter ako, hindi exhibionist, ha-ha-ha,” sey niya.
Batay rin naman sa pagkakakilala namin sa aktor noong kabataan pa niya, wala kaming narinig o nalamang kinukunan niya ang sarili nang hubo’t hubad.
Samantala, naka-display ngayon (tatagal hanggang Disyembre 5) sa ABS-CBN ang 13 paintings ni Jao.
“I have a painting group exhibit sa ABS-CBN that will run ‘til December 5, exclusive lang ‘yun for ABS-CBN employees,” sabi ng painter/actor.
Wala pa kaming nakukuhang feedback kung may bumili na ng paintings sa exhibit pero umaasa si Jao na sana ay meron lalo’t malapit na ang Pasko at Bagong Taon.
Walang regular show ngayon si Jao at waiting siya sa tawag para sa indie movie na Flames of Summer na wala pa siyang ideya kung sino ang direktor at co-actors niya.
“Hindi ko pa alam, eh. I’ll let you know kapag tinawag na ako,” sabi ng aktor.