YANGON (AP) – Hinimok ni Pope Francis ang matagal nang nagdurusang mamamayan ng Myanmar na labanan ang tukso ng paghihiganti sa mga dinanas na sakit, sa kanyang unang public Mass sa bansang karamihan ay Buddhist kahapon

Tinaya ng mga awtoridad na may 150,000 katao ang nagtipon sa Kyaikkasan Ground park ng Yangon para sa Misa. Dumalo ang mga okal na opisyal at senior members ng National League for Democracy party ni Aung San Suu Kyi, gayundin ang mga miyembro ng Christian Kachin minority ng Myanmar, na nakasuot ng tradisyunal na kasuotan.

“I know that many in Myanmar bear the wounds of violence, wounds both visible and invisible,’’ ani Francis sa madla sa wikang Italian at isinalin sa Burmese. Sa kabila ng tukso ng paghihiganti, hinimok ni Pope Francis ang mamamayan na sa halip ay tumugon ng “forgiveness and compassion.”

“The way of revenge is not the way of Jesus,’’ aniya, mula sa altar na itinayo sa entabladong tradisyunal na istilong Buddhist.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'