Ni: Bert de Guzman

TINATALAKAY ngayon ang paglikha ng PAGA o Philippine Amusement and Gaming Authority upang mapag-isa at ma-rationalize ang mga regulasyon ng gobyerno sa mga isyu na may kinalaman sa palakasan at ng iba pang “games of chance.”

Sa pagdinig sa Kamara, hiningi ni Paranaque City Rep. Gus Tambunting, chairman ng House Committee on Games and Amusement, ang mga opinyon ng iba’t ibang amusement entities tungkol sa paglikha ng PAGA.

Sa pagdinig, itinuloy ng komite ang deliberasyon sa House Bill 6111 na inakda nina Reps. Enrico Pineda at Michael Romero (Party-list, 1-Pacman), at nagsagawa rin ng inisyal na pagtalakay sa House Bill 6514 na inakda naman nina Speaker Pantaleon Alvares at Senior Deputy Majority Leader Juan Pablo Bondoc.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Layunin ng dalawang panukala ang paglikha ng Philippine Amusement and Gaming Authority (PAGA).

Ang PAGA ay isang corporate body na nasa ilalim ng Office of the President, na magre-regulate at magko-consolidate sa lahat ng regulatory functions na may kinalaman sa games of chance sa bansa.

Ayon kay Tambunting, ang PAGA ay regulatory lamang at hindi magiging operator ng games of chance. Dahil dito, ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay magiging regulator ng lang ng games of chance at hindi na mag-ooperate ng mga casino.

Idinagdag niyang lahat ng tungkulin na may kaugnayan sa gaming and amusements ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Games and Amusement Board (GAB), Cagayan Economic Zone Authority (CESA), Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO), at Authority of Freeport Area of Bataan (AFAB), ay ililipat na sa PAGA.