Miley Cyrus
Miley Cyrus

IBINUNYAG ni Miley Cyrus na hindi siya fan ng kanyang sariling musika, nang maging coach siya ng kanyang team members sa U.S. TV show na The Voice nitong Lunes ng gabi.

Kinakausap ng 25 taong gulang na mang-aawit si Brooke Simpson tungkol sa naging pagtatanghal niya sa awitin ni Pink na What About Us, nang ibahagi niya ang kanyang saloobin kapag naririnig ang sariling awitin sa radyo.

“We always look forward to... your performances,” ani Miley kay Brooke. “I think people will look forward to keeping you on the show, so everyone has to vote for Brooke obviously to see that happen. But what you all can really look forward to is Brooke’s record when she makes one.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

“She has got such an amazing year and an amazing way to interpret pop music - which, I’m the popstar sitting here and I don’t even like pop music half the time, I don’t even like my own pop music most of the time - but you take a song that’s on the radio that I can’t always relate to and, like Adam (Levine) said, make it about you.”

Nakagawa ng mga sikat na awitin si Miley nitong mga nakaraang taon gaya ng The Climb, Wrecking Ball at We Can’t Stop. Gayunman, sa pagpapatuloy ng paggabay niya kay Brooke, inamin ng Malibu star na mas gusto niyang piliin ang mga kantang hindi masyadong kilala para sa kanyang The Voice contestants – dahil natatakot siyang baka hindi maging sariling kanta ng mahuhusay na alaga ang naturang mga awitin.

“In the beginning (of my time on The Voice) I always kind of fought back about doing mainstream ‘cause actually Adam taught me sometimes when something’s on the radio, people know it so well, it’s hard to make it your own,” paliwanag ni Miley, bago sinabi kay Brooke na: “But you did it perfectly this week and I’m just so, so proud of you.” - Cover Media