Ni Ernest Hernandez

NASA balag ng alanganin ang kampanya ng DLSU Green Archers na maidepensa ang korona ng UAAP men’s basketball.

Ngayon, higit nilang kailangan na magkaisa at makipagsabayan sa Ateneo Blue Eagles upang maipuwersa ang ‘do-or-die’ at buhayin ang kampanya na manatiling kampeon sa premyadong collegiate league.

La Salle's Ben Mbala drives against Ateneo's Matt Nieto (12) and Kris Porter during the UAAP Season 80 Finals Game 1 match at Mall of Asia Arena in Pasay, November 25, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
La Salle's Ben Mbala drives against Ateneo's Matt Nieto (12) and Kris Porter during the UAAP Season 80 Finals Game 1 match at Mall of Asia Arena in Pasay, November 25, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa Game One, isa si Aljun Melecio na nagpamalas ng kagitingan. Ngunit, kulang ang ayuda ng kanyang katropa.

“Kulang sa amin yung communication sa loob ng court. And yung Ateneo, maganda yung team defense nila and execution,” sambit ni Melecio. ”Yung offensive and defensive rebounds lang naman sa Ateneo kaya nakalamang sila sa last three minutes.”

Hataw si Melecio sa naiskor na 24 puntos sa gabi na nalimitahan ang kanilang star player na si Ben Mbala saw along puntos.

“Actually, alam na ni Ben yun. Kaya nag adjust din siya sa defense nila. So nakita niya yung mga outside shooters pag dino-double team siya,” aniya.

Ayon kay Melecio, kailangan nilang makipagsabayan ng husto kong nais nilang makalaro ng Game 3.

“Kailangan namin mag-bounce back and mag-adjust sa execution ng Ateneo. Mas grabe ang communication nila compared sa amin,” sambit ni Melecio.