SYDNEY (AFP) – Ipinasa ng upper house senate ng Australia kahapon ang panukalang batas na nagbibigay-daan sa legalisasyon ng gay marriage.

Inaasahang papasa ang batas sa lower house ng parliament bago ang Pasko matapos mangako ang karamihan ng mga mambabatas na igagalang ang ‘’will of Australians’’ na bumoto pabor sa same-sex marriage sa nationwide postal vote kamakailan.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'