TUNAY na hindi malilimot na karanasan ang hatid ng MILO FCB Road to Barcelona program na nagbigay ng pagkakataon sa piling batang football player na maging bahagi ng Team Philippines.

milo copy

Nakasama ng delegasyon ang 55 iba pang players mula sa Australia, Colombia, Jamaica, New Zealand, Tahiti, Thailand, Singapore, at Panama para sa makabuluhang pagsasanay sa Barcelona, Spain.

Nagsimula ang siyam na araw na programa para sa Pinoy delegates sa home stadium ng FC Barcelona, Camp Nou kung saan tinuruan sila nang basic training sa paglalaro ng football, kasunod ang paglilibot sa mga importanteng lugar sa isa sa pinakasikat na football club sa mundo.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sumabak din sina sa football clinics sa loob ng dalawang araw sa pangangasiwa ng mga coach ng FCB Escola, ang youth academy ng FC Barcelona.

Sa naturang programa, nagkaroon ng pagkakataona ng mga batang Pinoy na makasalamuha sa kanilang kapwa delegates at makasalo sa paglalaro at pag-aaral.

Nabigyan din sila ng pagkakataon na makapanood ng football match tampok ang mag sikat at football icons tulad nina Lionel Messi, Luis Suarez, Gerard Piqué, Andrés Iniesta, Sergio Busquets, at iba pang star players ng FC Barcelona.

“My MILO FCB experience was truly unforgettable as I finally learned how to play the Barça way. It also made me realize that no matter how good a player is, still nothing beats playing with a team. The lessons and values imparted to me during the trip will stay with me on and off the pitch,” pahayag ng 10-anyos Pinot delegate na si Boris Malcolm Uy.

“My favorite part of the trip was making new friends with other young football players from different countries and the training we got from FC Barcelona. It really helped me become not only a better player, but also a better person altogether. I learned that when you score or make a goal, it’s not your goal. It’s your team’s goal. It’s a team effort. I hope I get another chance like this in the future,” sambit naman ni Ethan Jacob Roxas, 10, mula sa Cebu City.

“MILO is very proud and honored to have given our young players this ultimate champion journey in Barcelona, as they are truly deserving of it. We recognize how this experience has inspired them further as they pursue success back home on and off the pitch. It is our hope that this values-driven partnership with FC Barcelona will continue to give hope to more aspiring athletes in the country,” pahayag ni Robbie De Vera, Sports Marketing Manager ng MILO Philippines.