Ni: Light A. Nolasco

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Dalawang menor de edad ang naaresto habang nakatakas ang isa pa makaraang pasukin at limasin ang mga cell phone sa isang tindahan sa Barangay Rafael Rueda Street, Lunes ng umaga.

Sa reklamo sa pulisya ng may-ari ng tindahan na si Kristel Alvaran y Fernando, 33, residente sa naturang lugar, dakong 8:30 ng umaga nitong Linggo nang pinasok ng tatlong menor de edad ang tindahan at pgnakawan ito.

Ayon kay Maricar Huerta y Mendoza, saleslady, nadiskubre niyang nawawala ang mga naka-display na mamahaling cell phone sa tindahan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa follow-up operations, agad na naaresto ang dalawang 14-anyos na lalaki na kapwa residente ng Habitat Village sa Bgy. Sto. Nino 3rd, habang pinaghahanap ang isa pang binatilyo na taga-Bgy. Abar 1st, na nagawang makatakas.

Aabot umano sa P150,000 ang mga gadget na tinangay ng mga suspek, na nasa kustodiya na ngayon ng City Social Welfare and Development Office.