Miss Universe 2017 copy

Ni: REUTERS, AP, E ONLINE

ISANG dilag mula South Africa na tumutulong sa pagsasanay ng kababaihan sa self-defense ang kinoronahang Miss Universe kahapon sa pageant na ginanap sa The Axis sa Planet Hollywood, Las Vegas. Tinalo niya sina Miss Colombia at Miss Jamaica sa final three.

Hindi mapawi ang mga ngiti nang tanghaling bagong Miss Universe si Demi-Leigh Nel-Peters, 22, nagmula sa Western Cape Province at kamakailan lamang nagtapos ng kanyang business management degree sa North-West University.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Ang kanyang passion sa self-defense ay lalong lumakas nang ma-hijack siya at tinutukan ng baril pagkaraan ng halos isang buwan matapos siyang hirangin bilang Miss South Africa, kuwento niya sa video sa Miss Universe website.

Si Miss Colombia, Laura González, 22, ang naging first runner-up. Siya ay budding actress at nagtapos sa isang performing arts school, bago nanirahan sa Bogotá.

Second runner-up naman si Miss Jamaica, Davina Bennett, 21, modelo na nag-aaral ng marketing sa University of the West Indies.

Pinahanga ni Demi-Leigh Nel-Peters ang judges sa kanyang talino, kagandahan at karisma kaya sa kanya inilipat ang korona ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ng France.

Deciding question

Ang final three candidates ay pinasagot sa iisang katanungan para tukuyin ang kokoronahang Miss Universe 2017.

Ang tanong ay, ‘’What quality in yourself are you most proud of and how will make you apply that to your time as Miss Universe?’’

Ang sagot ni Miss Jamaica, ‘’It is my drive and determination. I am part of a foundation that helps deaf people. This platform will be a great platform to help people.’’

Sumagot naman si Miss Colombia ng, ‘’I am incredibly passionate about everything I do. I put my full self in every situation. I have done this as an actress, as Miss Colombia and will now do the same if I win Miss Universe.’’

Huling sumagot si Miss South Africa, ng, ‘’You have to be confident in who you are as an individual. Miss Universe is one who has overcome many fears and will inspire other women too, to overcome their fears.’’

Most participated

Siyamnapu’t dalawang (92) kababaihan mula sa iba’t ibang bansa ng mundo ang lumahok sa mahigit anim na dekada nang kompetisyon. Ang Miss Universe competition ngayong taon ang may pinakamaraming kandidata, kabilang ang first ever representatives ng Cambodia, Laos at Nepal. Sumali rin ang Iraq.

Napanalunan ni Nel-Peters ang yearlong salary, luxury apartment sa New York City para sa kabuuan ng kanyang reign at marami pang iba’t ibang prizes.

Si Steve Harvey ang muling naging host sa kabila ng kapalpakan sa 2015 Miss Universe crowning. Kahapon, pabiro niyang sinabi sa audience na siya ay, “grateful for the Oscars,” na ang tinutukoy ay ang best-picture flub sa Academy Awards ngayong taon.

Nang ipiprisinta na niya ang mga winner, nagbiro si Harvey sa contestants, “Be afraid. Be very afraid.”

Nagtanghal ang Grammy-Award winner na si Fergie ng kanyang bagong awitin na A Little Work habang rumarampa ang contestants suot ang kanilang evening gowns. Ang judges ngayong taon ay ang YouTube star na si Lele Pons, former judge ng America’s Next Top Model Jay Manuel, Wendy Fitzwilliam, ang 1998 Miss Universe winner mula sa Trinidad and Tobago at Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach ng Pilipinas.