Ni: Gilbert Espeña

NAGWAGI sina International Master Emmanuel Senador ng Pilipinas at IM Dede Lioe ng Indonesia sa sixth at final round tungo sa two-way tie sa kampeonato sa 2017 ASEAN Rapid Chess Open nitong Linggo sa Grand Darul Makmur Hotel, Kuantan, Pahang, Malaysia.

Kapwa nakakolekta sina Senador at Lioe mula sa limang panalo at isang tabla ng 5.5 puntos sa anim na laro. Ngunit nang ipinatupad ang tie break points ay nakopo ni Lioe ang titulo at gold medal via superior quotient kontra kay Senador na tumanggap ng silver medal at runner-up honor.

Tinalo ng Filipino co-champion sina Suwardi Andri Sidek ng Malaysia sa first round, Abdul Rahim Ramli ng Malaysia sa second round, Abdul Haq Mohd ng Malaysia sa third round, Mohd Ezmi Mahmood ng Malaysia sa fourth round bago nakipag draw kay Lioe sa fifth at alunin si Tham sa sixth round.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Nakapakasarap ng pakiramdam na nangingibabaw ang ating mga player sa international competition,” pahayag ni Philippine Executive Champion Atty. Cliburn Anthony Orbe.