Ni: Leandro Alborote

SAN JOSE, Tarlac – Nagbigti ang umano’y problemadong magsasaka sa Barangay Lawacamulag, San Jose, Tarlac, kahapon ng umaga.

Kinilala ni PO3 Alvin Tiburcio, ang biktimang si Ariel Palma, 29, ng Bgy. Sula, San Jose, Tarlac.

Nagbigti umano si Palma sa ilalim ng puno ng bayabas, sa harap ng kanyang bahay, na nadiskubre ng dalagita niyang hipag.

Probinsya

Rider na humarang sa nagmamadaling truck ng bumbero, buminggo sa LTO

Bago nagpatiwakal ay nakipag-inuman umano si Palma sa kanyang kapatid at binisita ang kanyang asawa at anak.