Ni: Betheena Kae Unite

Sinamsam kahapon ang ilang luxury cars at steel products, na nagkakahalaga ng P24.2 milyon, sa Manila International Container Port (MICP) dahil sa overstaying at misdeclaration, ayon sa Bureau of Customs (BoC).

Customs commissioner Isidro Lapena shows a lamborghini, which is among a 24 million worth of luxury cars and household goods intercepted from container vans that originated from China, Australia and the UAE, after a thorough inspection done by the Bureau of Customs at the MICP( Manila International Container Port) on monday. Photo by Jansen Romero
Customs commissioner Isidro Lapena shows a lamborghini, which is among a 24 million worth of luxury cars and household goods intercepted from container vans that originated from China, Australia and the UAE, after a thorough inspection done by the Bureau of Customs at the MICP( Manila International Container Port) on monday. Photo by Jansen Romero

Laman ng kargamento ang isang segunda-manong 2012 Lamborghini Glardo, isang 2006 Lamborghini Murcielago, at isang 2005 Ferrari F430, na nakapangalan sa iba’t ibang tao, at pawang nanggaling sa United Arab Emirates (UAE), ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nakita sa imbestigasyon na ang 2012 Lamborghini Glardo ay nakapangalan sa isang Allan Garcia, na may address na Barangay Paligui, Apalit, Pampanga; ang 2006 Lamborghini Murcielago ay nakapangalan kay Veronica Angeles, na taga- San Rafael, Bulacan; habang ang 2005 Ferrari F430 ay para sa isang Mary Joy Aguanta, na residente ng Cagayan de Oro City.

Inisyu na ang warrant para sa pagkumpiska at detention ng mga kargamento dahil sa overstaying sa container yard ng ICTSI, ayon kay Lapeña.

Napag-alaman na dumating ang nasabing mga kargamento sa pagitan ng 2016 at Mayo 2017.

Samantala, nasamsam din ang shipment ng steel products dahil sa hindi pagkakatugma sa x-ray inspection.

Inihayag ni Lapeña na ang mga naturang shipment ay galing sa Australia at China.

Nadiskubre ng customs agents na ang isa sa mga shipment ay hindi naideklara bilang personal effect at kagamitan sa bahay, at nakapangalan sa isang Dorotea Sadang.

Dalawa pang shipment na nakapangalan sa Hongtaisheng Steel Inc. ang sinuspinde dahil sa maling deklrasyon ng bigat ng mga produkto.