NI: Rommel P. Tabbad at Czarina Nicole O. Ong

Hindi natitinag si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa bantang impeachment complaint na ihahain ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa House of Representatives.

“That’s their opinion. I have no reaction to that. Sabi nila i-fine-tune nila in light of the strict processing conducted by the Congress,” sabi ni Morales nang dumalo sa pagbubukas ng Southeast Asia Parties Against Corruption (SEAPAC) 13th Meeting of Parties to the Memorandum of Understanding on Preventing and Combating Corruption sa Edsa Shangri-La Hotel, Mandaluyong City, kahapon.

Matatandaang inihayag ni Atty. Manuelito Luna, abogado ng VACC, na pag-iisahin nila ang reklamong impeachment mula sa tatlong grupo, bago ito ihahain sa Kongreso.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bukod kay Luna, kasama ring magsasampa ng reklamo sina ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng mga pamilya ng SAF44, dating Rep. Jacinto Paras, Glenn Chong, at Vanguard of the Philippine Constitution Inc. President Atty. Eligio Mallari.

Kamakaikan ay nagpahayag si Topacio na “tinatapos na ng grupo ang kanilang reklamo laban sa kanya”.

Ayon pa kay Topacio, ang ihahain nilang kaso ni Morales ay ihuhulma sa impeachment complaint ni Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno; kaya’t nag-iingat sila sa “finishing touches.”

Dedma naman si Morales, iginiit na, “it doesn’t worry me at all.”