PVF volley copy

NAKOPO ng National University at Adamson University ang korona sa kani-kanilang division sa 1st PVF-Tanduay Athletics Under-18 Beach Volleyball Invitational nitong Linggo sa Cantada Sports Center sa Taguig City.

Ginapi ng tambalan nina Reymart Reyes at Pol Salvador ang karibal na sina Humprey Bautista at Elpidio Mabini, Jr. ng San Antonino National High School of Isabela sa straight set para masungkit ang boys championship, habang nanaig sina Gracelchen Ave at Hannah Infante ng Adamson kontra Sayrel Bermeo at Reyann Cañete ng Rizal Technological University sa girls division.

Kabuuang 31 koponan ang sumabak sa libreng torneo na inorganisa ng Philippine Volleyball Federation, sa pakikipagtulungan ng Tanduay Athletics ni Bong Tan at PVF chairman Mikey Arroyo.

Trending

MMDA, nakaka-relate na kay Rendon Labador?

Kabilan sa sumabak ang delegasyon ng Baguio City (U.Cordillera HS), Pangasinan (U of Luzon), Isabela, Zambales, Cavite at Marinduque.

“PVF embarks on a new direction as it concentrates on grassroots development providing healthy competition among the very young athletes,” pahayag ni PVF president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada.