Ni: Nonoy E. Lacson

ZAMBOANGA CITY – Inaresto ng pulisya, katuwang ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang isang 17-anyos na lalaki makaraan itong maaktuhang nagbebenta at nag-iingat ng mga endangered species.

Tinukoy ang biktima bilang residente ng Barangay Tumaga, na naaktuhan umanong nagbebenta ng ahas at iba pang endangered species sa kanyang tindahan sa nasabing barangay nitong Biyernes.

Inihayag ng DENR at pulisya na natagpuan sa tindahan ang isang lalagyan na puno ng mga reptile at iba’t ibang endangered na hayop.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakumpiska mula sa suspek ang 21 plastic jar na naglalaman ng dalawang paradise snake, isang wolf snake, isang file snake, 20 Madagascar hisser cockroach, limang heterometrus longimanus scorpion, at 11 scolopendra subspinipes centipede.

Dinala ang suspek sa Department of Social Welfare and Development habang idiniretso naman ang mga hayop sa opisina ng DENR.