NI: Annie Abad

KUNG si Philippine Olympic Committee (POC) president ang masusunod, hindi niya nanaisin na magkaroon ng mga katutubong sports bilang entry sa darating na hosting ng bansa para sa 2019 Southeast Asian Games SEAG.

Ayon sa pinuno ng Olympic body, hindi niya nanaisin na maisali ang mga kilalang indigenous sports sa biennial meet upang hindi maakusahan ng pandaraya sa hosting ng bansa.

Nagiging bentahe kasi umano ang pagkakaroon ng tradisyunal sports sa isang kompetisyon sa host country na pinagmumulan ng diskusyon lalo na sa game officiating.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I want to set the trend of limiting the participation of indigenous games among host countries in the SEA Games,” pahayag ni Cojuangco.

“I don’t want to display a trophy at the office that we won by cheating our rivals.” Aniya.

Nais umano ni Cojuangco na simulan ang pagsisimula ng halimbawa na huwag gumamit ng native sports sa biennial meet.

“If you look at the previous editions of the SEA Games, we’re the only host that didn’t take advantage of including more indigenous sports designed to benefit us,” sambit ni Cojuangco.

Samantala, iginiit naman ni Chef de Mission Monsour del Rosario na ilagay sa SEAG ang mga sports kung saan malalakas ang mga atletang pinoy upang mas lalong makasiguro ng medalya sa hosting ng bansa.