Ni: Reggee Bonoan

SINUNDAN ni Sharon Cuneta ang pambubuking ni Dennis Padilla na may relasyon na ang kanyang anak na si Julia Berretto kay Joshua Garcia.

JULIA AT SHARON copy

Kung si Joshua ang tatanungin, parang okay lang na ibinuking sila ng megastar, pero parang hindi pa handa si Julia dahil panay ang sabing, “Kanina mo pa kami ibinubuking.”

Human-Interest

ALAMIN: Ano ang silbi ng ‘bollards’ at paano nito pinipigilan ang aksidente?

Kaya nang kumustahin naman ang JoshLia sa pakikipagtrabaho kina Sharon at Robin ay sumimple ng kuwento ang young actress:

“Alam na namin kung kinikilig ‘yan, naku, naku, naku!”

“Kinikilig ako sa inyo ni Josh!” maagap na salo ni Sharon.

“Naku, parang hindi!” pambubuko pa ni Julia.

“Huhubaran kita dito!” hirit ni Sharon.

Mega-sorry naman si Julia kay Megastar at sinabing, “Okay, quiet na nga ako. Kasi kanina mo pa kami ‘binubuking, ikaw kaya ibuking namin,” malamang sabi ng young actress.

Samantala, labis-labis ang pasasalamat ni Joshua na nakatrabaho niya ang dalawang icon sa local showbiz, marami nga raw silang natutuhan.

“Daming natutunan talaga kung paano ‘yung tamang lambingan, kung ano ‘yung tamang halik! (hiyawan ang lahat ng mga nakikinig),” pahayag ng young actor habang nakatingin kina Sharon at Robin.

Tanging nasabi na lang ni Binoe, “’Tong mga batang ‘to.”

Anyway, nakakakilig ang trailer ng Unexpectedly Yours dahil real life partners talaga sina Julia at Joshua samantalang naging partners in the past naman sina Robin at Sharon kaya may kilig pa rin sa isa’t isa.

Mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina ang Unexpectedly Yours.