Ni RAYMUND F. ANTONIO

MAPAPANOOD ng moviegoers ang inspiring stories ng mga ordinaryong Pilipino sa paglulunsad ni Vice President Ma. Leonor “Leni” Robredo ng Istorya ng Pagasa (INP) film festival na pangungunahan ng kanyang opisina.

VP LENI copy

Inihayag ng dating housing chief kahapon ang nationwide competition na pipili ng pinakamahuhusay na pelikulang nagtatampok ng mga kuwento ng pag-asa ng mga Pilipino na ipapalabas sa Ayala Cinemas.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ayon kay VP Leni, marami nang naiipong inspiring stories ng mga kababayan natin ang kanyang opisina kaya naisip niyang itaas pa ang antas ng naturang proyekto sa paglulunsad ng short film festival.

“We have a roving photo gallery already. But how many of the passersby would stop to read it. It is only a few,” sabi ng VP Leni sa launching sa Ayala Museum sa Makati City.

“We think it is not enough. We have a social media presence already, but we don’t have enough videos or films of our stories,” dagdag niya.

Inilunsad ng Office of The Vice President (OVP) ang short film festival sa pakikipagtulungan ng Ayala Foundation.

Suportado rin ito ng Globe Telecom at Ayala Land Inc.

Nationwide ang film festival na all-digital film competition para sa original short documentaries na magtatampok ng inspiring stories ng mga Pilipino. Ang bawat entry ay hindi dapat lumampas ng limang minuto.

Ayon kay Robredo, inilunsad ng kanyang opisina ang film festival upang maipaalam sa bawat Pilipino ang mga kuwento ng pag-asa, “that we may reclaim our unity and positivity in these trying times.”

“We realize we are using social media a lot and the short videos are the ones who really catch the attention of people who have very short attention spans,” paliwanag niya.

Sa Pebrero 25, 1018 ang deadline sa pagtanggap ng entries para sa INP short film festival. Sampung finalists ang pipiliin na ihahayag sa Hunyo 12 sa susunod na taon.

Mula sa sampung finalists, pipiliin naman ang tatlong pinakamagagandang pelikula, pero isa lang ang tatanghaling “best film” sa awards night.

“The Ayala Group of Companies agreed the (top 3) winners of the competition will be shown in Ayala Cinemas before the regular showing of feature,” sabi niya.

Pagkaraan ng isang taon

Nagbalik-tanaw si VP Leni sa pagdalo niya sa Istorya ng Pagbasa, na pinagbatayan niya ng kanyang INP project, sa Ayala Museum noong nakaraang taon.

“It feels right to commemorate our first year if it will be held in Ayala Museum,” aniya at idinugtong na ang Ayala Foundation ay maaasahang partner ng kanyang proyekto.

Truly aligned

Ayon naman kay Ayala Foundation President Raul Maranan, ang kanilang mga layunin ay “truly aligned” sa kapuri-puring proyekto ng OVP.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pakikinig sa mga kuwento ng mga tao “who perform regular roles in extraordinary ways and fashion.”

“Yes, there is so much goodness around us. We have just to remain open and hopeful,” sabi ni Maranan. “We just have to focus, believe, become, and belong to a community of doers.”