SINIMULAN ng Far Eastern University-Diliman ang kampanya para sa record weight straight title sa dominanteng 6-1 panalo kontra Ateneo kahapon sa UAAP Season 80 juniors football tournament sa PFF National Training Centre sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Umiskor ang Baby Tamaraws ng dalawang goal sa first half at tuluyang diniktahan ang laro sa second half sapat para patatagin ang kampanya na madepensahan ang titulo.

Naitala naman ng tournament newcomer National University ang ikalawang sunod na panalo nang patumbahin ang University of Santo Tomas, 6-1.

Gaganapin ang aksiyon sa Huwebes sa Rizal Memorial Stadium kung saan magtatagpo ang UST at De La Salle-Zobel ganap na 8:00 ng umaga, habang magtutuos ang NU at FEU sa 3:00 ng hapon.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala