Ni Edwin Rollon

MAS pinaigting ang kampanya laban sa Human Immunodeficiency Virus Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV-AIDS) sa pagkaimbento ng isang mobile gaming App na naglalayong maturuan ang kabataan para maisawan at masugpo ang patuloy na paglaki ng bilang ng mga kaso ng naturang sakit.

blood2 copy

Ayon kay Dr. Emmanuel S. Baja, research associate professor ng DOST “Balik” Scientist at Principal Investigator ng HIV Gaming, Engaging, and Testing (HIV GET Tested) Project ng Institute of Clinical Epidemiology, National Institutes of Health sa University of the Philippines Manila, isang digital advocacy gaming application na tinawag na “Battle in the Blood (#BitB) ang naimbento para mas mabigyan ng kahalagahan at atensyon ang HIV testing at counselling sa mga Pilipino.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ang combat game na ito ay inaasahan ding makakaimpluwensya sa mga kabataan at young adults upang maitama ang kanilang mga kaalaman hingil sa HIV AIDS.

Ito rin ang kauna-unahang game o app tungkol sa HIV AIDS na dinisenyo para sa mga Pilipino, ayon kay Dr. Baja.

“Target ng Battle in the Blood (#BitB)” ang mga kabataan na alam naman natin ay talagang focus sa kanilang mobile phone. Sa ganitong paraaan magkakaroon sila ng kaunawaan hingil sa naturang sakit at kung paano makakaiwas dito,” pahayag ni Baja.

Ang pondo para linangin ang BITB ay kaloob sa Newton-Agham Grant na mula naman sa bansang United Kingdom, sa pamamagitan ng Medical Research Council (MRC) at ng Philippine government sa pamamagitan din ng Philippine Council for Health Research and Development, Department of Science and Technology.

Ilan sa mga kasanib na ahensya ng HIV GET Project ay ang University of the Philippines Manila at ang Liverpool School of Tropical Medicine (LSTM). Dr Miriam Taegtmeyer, isang Senior Clinical Lecturer at LSTM, ang UK counterpart Principal Investigator para sa nasabing proyekto.

Ang mga cooperating agencies naman para sa BitB ay ang Department of Health, local governments ng Quezon City at Davao City, Love Yourself Inc., Engaging Tool for Communication in Health (ETCH) at Extra Mile Studios Ltd.

Halos inabot ng isang taon para ma-develop ang nasabing app. Ang research team para sa naturang proyekto ay nagsagawa ng research at counselling ukol sa HIV AIDS. Inabot naman ng tatlong buwan para makumpleto ang 40-pahina na game design document at konsepto nito.

“Ito talaga ang kauna-unahang app na makakatulong para maging malawak ang kaalaaman ng mga Pinoy sa HIV AIDS. Ang HIV ay hindi katapusan ng inyong mundo. Parang diabetes lang ‘yan at may lunas pa rin dito. Magiging normal at masaya pa rin ang buhay ng mga taong may HIV,” ani Dr. Baja.

Ayon naman kay Charlotte Hemingway, PhD student mula sa LSTM at miyembro ng research team, natuwa ang mga taong nakapaglaron na nito dahil sa mga storyang nakapa loob sa app.

“People that have played the game are so grateful to see PLHIV not as victims but as believable and inspiring characters,” ayon kay Hemingway.