Ni: Gilbert Espeña

NAKATUTOK ang atensiyon kay 1996 Philippine Junior Champion at National Master Rolando Andador sa pagtulak ng pinakaaabangan na 3rd edition ng PNP chief Director General Ronald Dela Rosa “Bato Invitational Chess Cup” ngayon sa Camp Crame, Quezon City.

Makakasama ni Andador para sa puwersa ng PNP sina National Master Ali Branzuela at executive champion Col. Jaime “Jim” Osit Santos sa torneo na magsisimula ganap na 9:00 ng umaga.

Tampok din sina SPO2 Ruvillo Paulin at SPO1 Renato Buboy Abalos Region na pambato naman ng Region 4 A habang nakasalang naman sa pagbabandera ng Bicol region sina PO2 Salvador Aliven at PO3 Reynold Miraflor.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Masisilayan din ang paglahok nina PO1 Macwaine Molina (NCRPO), PO1 Danilo Tiempo, dating kampoengs si PO3 Jerry Tolentino, PSupt. Jonas Escarcha (former PNP executive champ), PcInsp. Christopher Muego (BATO CUP 2 Top Executive champ) at PSupt. Emmanuel Tabuena (BATO CUP 1 top PCO) para sa hanay ng pulisya.

Pipigilan nila ang mga bigating listahan ng guest players na hangad ang prestiyosong titulo na rerendahan naman nina International Master Chito Garma, Woman National Master Christy Lamiel Bernales, Thailand Blitz king Alvin Roma at Philippine Executive Chess Champion Atty. Cliburn Anthony A. Orbe.

Magsisilbing punong abala ang class 92 ng Philippine Military Academy sa gabay nina PSSupt. Jonnel Estomo at PSSupt. Steve Ludan na inorganisa nina PSupt. Peter Ulimbauan at SPO3 Jomar M Pascua ng Headquarters Support Service kung saan ang one day rapid event ay may time control 20 minutes plus 5 minutes time delay format.