Ni: Beth Camia
Hinikayat ng Malacañang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magsumite ng rekomendasyon kaugnay sa posibleng pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao, sa loob ng tatlong linggo bago mag-Christmas break.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na humiling ng 30 araw ang AFP at hihintayin nila ang rekomendasyon nito bago magpaso ang martial law sa Disyembre 31, 2017.
“I think we should wait word from the Armed Forces of the Philippines on or before the date of expiration but I think it has to be done before Congress goes on break. Because expiration is on the 31st, if we decide for an extension, then Congress may have to call a special session and cut short its Christmas break,” ani Sec. Roque.
Nakatakdang mag-adjourn ang sesyon ng Kongreso sa Disyembre 15 at babalik sila sa Enero 15, 2018.