JAKARTA (Reuters) – Sinabi ng disaster mitigation agency ng Indonesia na 40,000 katao ang inilikas mula sa lugar malapit sa sumasabog na Mount Agung sa isla ng Bali, ngunit libu-libong iba pa ang kailangang umalis sa babala ng napipintong malaking pagsabog kahapon.

“We really ask people in the danger zone to evacuate immediately because there’s a potential for a bigger eruption,” sabi ni Sutopo, tagapagsalita ng Indonesia disaster mitigation agency (BNPB).

Sinabi niya sa briefing na 40,000 katao ang inilikas mula sa tinatayang 90,000-100,000 residente sa loob ng 8-10 km exclusion zone sa paligid ng Agung.

“Not all residents have evacuated yet,” aniya, idinagdag na sinisikap ng security personnel na kumbinsihin ang mga tao na umalis ngunit posibleng sapilitan silang ililikas.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina