Gilas Pilipinas (FIBA.com photo)
Gilas Pilipinas (FIBA.com photo)

Laro ngayon (Araneta Coliseum)

7:30 n.g. -- Gilas Pilipinas vs Taiwan

MAITAMA ang mga kamalian sa laro kontra Japan ang pagtutuunan ng pansin ng Gilas Pilipinas para sa target na ikalawang sunod na panalo sa FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong gabi sa Araneta Coliseum.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Haharapin ng Nationals ang bisitang Chinese-Taipei ganap na 7:30 ng gabi.

Hindi na nagawang magpahinga ng Gilas kasama ang pamilya nang kaagad na sumabak sa ensayo mula sa pagdating galing Japan kung saan naitala ng Gilas ang impresibong panalo, 77-71, nitong Biyernes sa Tokyo.

Nabitiwan ng Gilas ang tangan sa bentahe sa second half at naghabol sa Japan sa third period bago tuluyang nakontrol ang momentum para sa malaking panalo sa bagong format na home-and-away.

Sumandig ang Gilas kina Andrey Blatche at Jason Castro sa endgame para makamit ang unang panalo.

Inaasahang magkukumahog ang Taiwanese na target makabawi mula sa kabiguan sa Australia, 66-104. - Marivic Awitan