DHAKA (AP) – Sisimulan ni Pope Francis ngayong Lunes ang kanyang anim na araw na biyahe sa Myanmar at Bangladesh.
Habang nakatuon ang atensiyon kung paano tutugunan ng Santo Papa ang krisis ng Rohingya Muslim, mahalaga rin ang biyahe sa maliit na komunidad ng mga Katoliko sa bawat bansa.
Umaasa ang maraming Kristiyano na ang pagbisita ng Papa ay magbibigay-pansin sa kalagayan ng maralita at minority religious groups, kabilang na sila.