PATIBAYAN hanggang sa huling batinting. At sa mata ng tatlong hurado, higit na naging agresibo ang Pinoy fighter at pambato ng Tagbilaran City na si Mark “Magnifico” Magsayo.

Nakihamok ang 25-anyos sa loob ng 12 round laban sa matikas na si Japanese fighter Shota Hayashi bago nakuha ang unanimous decision sa main event ng Pinoy Pride 43 nitong Sabado sa Bohol Wisdom Gymnasium.

KAYA PA? Mabilis na inawat ng referee si Albert Pagara nang mapaluhod ang karibal na si Mohammed Kambuluta.
KAYA PA? Mabilis na inawat ng referee si Albert Pagara nang mapaluhod ang karibal na si Mohammed Kambuluta.
“Ang tibay talaga niya,” pahayag ni Magsayo patungkol sa kalidad ng karibal na si Hayashi. “Malakas talaga. Matibay siya sa bodega, so nahirapan din ako,” aniya

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nakubra ni Magsayo ang 18 panalo sa pro career at ang pagkakataon na hamunin si WBO featherweight champion Oscar Valdez.

Hindi rin nagpatibag ang iba pang Pinoy fighters sa main card ng ALA boxing promotions.

Pinabagsak ni “Prince” Albert Pagara si Mohammed Kambuluta ng Tanzania sa ikalawang round ng kanilang duwelo sa super-bantamweight class.

Nahila ni Pagara ang marka sa 29-1.

Mabilis din ang mga kamay ni Jeo “Santino” Santisima para mapatulog ang karibal na si Ki Chang Kim ng Indonesia sa unang round ng kanilang junior-bantamweight fight para manatiling malinis na marka sa 15-0.