Ni DIANARA T. ALEGRE

BAGAMAT sa top 10 lang umabot ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters sa 66th Miss Universe sa Las Vegas ngayong Lunes, inulan naman ng papuri at paghanga mula sa mga Pilipino ang mahusay niyang performance sa prestihiyosong patimpalak.

Napabilang sa Top 10 ang pambato nating si Rachel Peters sa 66th Miss Universe, na napanalunan ng South African na si Demi-Leigh Nel-Peters
Napabilang sa Top 10 ang pambato nating si Rachel Peters sa 66th Miss Universe, na napanalunan ng South African na si Demi-Leigh Nel-Peters

Napanalunan ng Miss South Africa na si Demi-Leigh Nel-Peters ang korona at itinanghal na Miss Universe 2017.

Human-Interest

ALAMIN: Ano ang silbi ng ‘bollards’ at paano nito pinipigilan ang aksidente?

First runner up si Laura Gonzalez ng Colombia, at 2nd runner-up si Davina Benett ng Jamaica.

Nauna rito, nakapasok sa Top 16 si Rachel bilang wildcard makaraang mabigo siyang mapasama sa apat na kandidatang pinili mula sa Asia-Pacific.

"It's such an honor. It means the universe for me," hayag ni Peters nang matawag. Siya ang unang wild card contestant.

Nagpatupad ang Miss Universe Organization ng bagong mechanics para sa coronation event, pinili nila ang 16 semi-finalists per continent. Apat na kandidata mula sa America (North America, Central America, South America, Caribbean), apat na kandidata mula sa Europe, apat na kandidata mula sa Asia, Africa, at sa Oceania, at apat na puwesto para sa wild card.