NI: PNA

DAVAO CITY – Aabot na sa P1 bilyon ang kinikita ng New People’s Army (NPA) sa pangingikil sa mga agricultural at mining operations sa mga lugar na saklaw ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) ng militar.

Sinabi ni EastMinCom commander, Lt. Gen. Benjamin Madrigal na ang nasabing halaga ay batay sa intelligence information na nakalap ng kanilang operational units.

Ang nakolektang pera ay revolutionary taxes mula sa mga kumpanyang agri-industrial, partikular ang mga plantasyon ng saging, minahan, transportasyon, negosyo, at iba pang indibiduwal.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

“That is why we need to stop this because with these funds they generate they can produce more firearms,” sabi ni Madrigal.

Ayon kay Madrigal, patuloy na hinihimok ng militar ang mga kinauukulan na sawayin ang sektor ng pagnenegosyo laban sa pagbibigay sa extortion demands ng NPA.

“Ang tawag sa scheme na ‘yan ay revolutionary tax or Rebolusyonaryong Buwis sa Kaaway na Uri (RBK), which means if the group is collecting money from a certain business then they are treating them as the rebels enemy,” paliwanag ni Madrigal.

“They should ask for our, soldiers, help so that the projects will not be delayed kasi may iba hindi nila alam o kung papaano o kanino magsasabi,” dagdag niya.

Tinaya ni Madrigal sa 1,000-1,500 ang mga miyembro ng NPA na kumikilos sa EastMinCom.