RIYADH (AFP) – Sumumpa ang bagong crown prince ng Saudi Arabia na tutugisin ang mga terorista “until they are wiped from the face of the earth” sa pagtitipon ng mga opisyal ng 40 bansang Muslim nitong Linggo sa unang pagpupulong ng Islamic counter-terrorism alliance.
“In past years, terrorism has been functioning in all of our countries... with no coordination” sa mga pambansang awtoridad, sinabi ni Prince Mohammed bin Salman, ang defense minister ng Saudi Arabi, sa kanyang talumpati sa pagtitipon sa Riyadh. “This ends today, with this alliance.”
Ang summit ay ang unang pagpupulong ng defense ministers at iba pang matataas na opisal mula sa Islamic Military Counter Terrorism Coalition, na opisyal na binibilang ang 41 bansa at kinikilalang “pan-Islamic unified front” laban sa violent extremism. Ipinahayag ang alyansa noong 2015 sa ilalim pagtataguyod ni Prince Mohammed.
Nagtipun-tipon sa alliance meeting sa Riyadh ang mga bansang Muslim o Muslim-majority kabilang ang Egypt, United Arab Emirates, Bahrain, Afghanistan, Uganda, Somalia, Mauritania, Lebanon, Libya, Yemen at Turkey.
Hindi dumalo ang Qatar, opisyal na kasama ngunit nakakairingan ng Saudi Arabia.
Hindi naman kasama sa alyansa ang Iran, Syria at Iraq.