CAIRO (AFP) – Ipinagluluksa ng Egypt ang mahigit 300 nasawi sa pag-atake sa isang mosque sa Sinai Peninsula, ang pinakamadugong nasaksihan ng bansa.

Sinabi ng Army nitong Sabado na binomba ng warplanes ang pinagtataguan ng mga militante sa North Sinai bilang ganti.

Ayon sa state prosecution, pinalibutan ng 30 militante na naka- camouflage at may bitbit na itim na bandila ng grupong Islamic State ang mosque at minasaker ang mga nagdarasal nitong Biyernes.

Kabilang sa mga namatay ang 27 bata. Inilibing ang mga biktima kinagabihan.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Nagdeklara si President Abdel Fattah al-Sisi ng tatlong araw na pagluluksa at nangakong gaganti ‘’with brutal force’’ sa pag-atake, na kabilang sa pinakamadugo sa mundo simula noong September 11, 2001 attacks sa Amerika.

Ayon sa state prosecutor’s office, 305 katao ang nasawi at 128 ang nasugatan sa pag-atake sa Rawda mosque, may 40 kilometro ang layo sa kanluran ng El-Arish, ang kabisera ng North Sinai.