SOUTH KOREA (AP) – Sa Asia qualifying, nanatiling walang gurlis ang China sa Group A ng Fiba World Cup qualifiers nang pabagsakin ang South Korea, 92-81, kahapon sa Goyang Gymnasium.

Matikas na nakihamok ang host team at nagawang labanan ang Chinese squad sa dikitang aksiyon. Natapos ang halftime sa 44-40.

Sa second half, umaraya ang Mainland sa 8-0 run sa pangunguna ni Ding Yanyuhang, ang Chinese Basketball Association MVP at naglaro sa Dallas Mavericks sa 2017 NBA Summer League, para mahila ang bentahe sa 17 puntos.

Nakahabol ang Koreans sa 87-79, ngunit kinapos na sila sa oras.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanguna si Ding sa natipang game-high 30 puntos, tampok ang apat na three-pointer, habang kumana sina Sun Minghui at Wang Zhelin ng 21 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod.