Ni: Liezle Basa Iñigo

LINGAYEN, Pangasinan – Natagpuan kahapon ang walang buhay at halos hubad na katawan ng isang babae sa tabi ng water pump sa Barangay Poblacion, Lingayen, Pangasinan.

Ang biktima ay nakilala sa pangalang Sonia, nasa edad 40-45, may taas na 5'2” hanggang 5'4”, at payat.

Nangungupahan lamang umano ang biktima sa lugar kaya hindi pa matukoy ang buo nitong pangalan.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Bago ang insidente, sinabi ng mga residente na nakipag-usap pa ito sa ilang kapitbahay.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.