Uma Thurman (Photo by Evan Agostini/Invision/AP, File)
Uma Thurman (Photo by Evan Agostini/Invision/AP, File)

BUMATI si Uma Thurman ng masayang Thanksgiving sa lahat – maliban kay Harvey Weinstein.

“Happy Thanksgiving Everyone! (Except you Harvey, and all your wicked conspirators - I’m glad it’s going slowly - you don’t deserve a bullet),” post niya sa Instagram nitong Huwebes.

Tinapos niya ang post sa pahabol na, “stay tuned.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nakatrabaho ng aktres si Harvey — inakusahan ng mahigit 90 babae ng sexual assault, harassment at rape — sa ilang pelikula kabilang ang Kill Bill franchise at Pulp Fiction.

Wala pang opisyal na pahayag si Uma tungkol kay Harvey, ngunit naging kontrobersiyal ang pahayag niya sa panayam ng Access Hollywood sa premiere ng The Parisian Woman, na hinihintay niyang humupa ang kanyang galit bago magsalita o magbahagi ng kanyang kuwento.

“I don’t have a tidy soundbite for you, because I am not a child and I have learned that when I have spoken in anger, I usually regret the way I express myself,” aniya. “So I’ve been waiting to feel less angry, and when I’m ready, I’ll say what I have to say.”

Iniimbestigahan si Harvey ng pulisya sa Los Angeles, Beverly Hills, New York at London dahil sa mga akusasyon sa kanya ng sexual assault.