BUTUAN CITY – Hiniling sa militar ng mga rebeldeng bumihag sa dalawang pulis ang suspension of military and police operations (SOMO) sa anim na bayan sa Surigao del Norte para ligtas na mapalaya ang tinatawag nilang “prisoners of war”.

Hiniling ng custodial force ng guerilla-Front Committee 16 ng New People’s Army (NPA) sa mga field unit commander ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na magpatupad ng 10-araw na suspensiyon ng mga operasyon upang mapalaya ang dalawang pulis na bihag nila.

“We receive the result and found out that the two had no direct involvement in the crimes like extrajudicial killing, drug trafficking and extortion activities raised against Placer police and we see no reason to keep them as prisoners of war,” sinabi sa lokal na diyalekto ni “Ka Oto”, ang tagapagsalita ng guerilla-Front Committee 16, nang kapanayamin sa radyo nitong Biyernes.

Nobyembre 13 nang dukutin ng NPA sina PO2 John Doverte at PO2 Alfredo Degamon habang nasa police box sa gilid ng national highway sa Barangay Bad-as, Placer, Surigao del Norte.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Tiniyak ni Ka Oto na palalayain ng kilusan ang dalawang pulis kapag itinigil ng pulisya at militar ang opensiba ng mga ito sa ilang barangay sa mga bayan ng Alegria, Tubod, Placer, Bacuag, Gigaquit, at Claver sa Surigao del Norte.

Gayunman, iginiit kahapon ng mga opisyal ng pulisya at militar sa hilaga-silangang Mindanao na ang kanilang mga operasyon laban sa NPA—na opisyal na idineklara ni Pangulong Duterte bilang mga terorista—“will continue without let up”. - Mike U. Crismundo