NAGSIPAGWAGI ang Nazareth School of National University at De La Salle-Lipa kontra sa tournament favorite rivals upang makamit ang top seeding sa pagtatapos na eliminations ng 18-and-under Rebisco Volleyball League sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex sa Laguna.

Tinalo ng NSNU squad ang Hope Christian High School, 25-12, 25-13 upang manguna sa Pool A habang ginapi ng mga Batangueńa spiders ang Holy Rosary College team, 25-14, 25-18, sa Pool B sa naganap na pares ng duwelo ng mga unbeaten teams.

Nagtapos ang NSNU at ang DLL na may malinis na markang 5-0, sa eliminations habang pumangalawa sa kanila ange Hope CHS at HRC na may 4-1 kartada.

Dahil sa nasabing mga panalo, magtatapat ang NSNU at HRC habang magsasagupa naman and De La Salle-Lipa at Hope Christian sa crossover semifinal kung saan ang mananalo ay magtutuos sa kampeonato.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa iba pang resulta, ginapi ng Bacolod Tay Tung High School ang Angelicum Learning Center of Cagayan de Oro, 25-16, 25-17, para pumangatlo sa Pool B sa markang 3-2 slate habang pinataob ng University of San Jose-Recoletos ang FEU-Diliman, 22-25, 25-20, 25-15. FEU para tumapos na may 1-4 na kartada habang nanatiling winless ang Angelicum matapos ang limang laro.

Pumangatlo naman ang University of Mindanao-Tagum sa Pool A na may 3-2 marka matapos ang 25-16, 25-19 huling panalo kontra Koronadal National Comprehensive HS habang pinasadsad ng Holy Family Academy of Pampanga ang Leyte National School, 25-21, 16-25, 25-20, para makasalo sa fourth spot ng LNS at KNC na may 1-4 na kartada. - Marivic Awitan