Sinuspinde ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang lahat ng aktibidad sa labor inspection ng kagawaran sa loob ng isang buwan simula sa unang linggo ng Disyembre.

Layunin nitong mabawasan ang pagkakataon para sa panunuhol, paghingi ng regalo, o iba pang anyo ng kurapsiyon habang nalalapit ang Pasko.

Sa bisa ng Administrative Order No. 548, itinalaga ni acting DoLE Secretary Dominador Say ang lahat ng regional director ng kagawaran para suspendihin ang lahat ng labor inspection hanggang sa Enero 7, 2018.

Ang panahon ng suspensiyon ay gagamitin para sa disposisyon ng lahat ng nakabimbing kaso sa pamantayan ng paggawa at paghahanda sa mga programa ng labor inspection para sa 2018 sa mas epektibong pagpapatupad ng pagsubaybay sa pagsunod sa labor laws.

Metro

Lalaki, pinagsasaksak sa dibdib dahil umano sa paggamit ng basketball court

Gayunman, exempted sa suspensiyon ang mga reklamo, pagsisiyasat ng occupational safety and health standards (OSHS), inspeksiyon ng Philippine-registered domestic ships, technical safety inspection, at anumang industriya para sa pag-iinspeksiyon na tutukuyin ng DoLE chief. - Mina Navarro