NAKIPAGBUNO sa rebound sina Alvin Abueva (kanan) at Japeth Aguilar kontra kay Japanese naturalized player Ira Brown sa maaksiyong tagpo ng kanilang laro. (SBP PHOTO)
NAKIPAGBUNO sa rebound sina Alvin Abueva (kanan) at Japeth Aguilar kontra kay Japanese naturalized player Ira Brown sa maaksiyong tagpo ng kanilang laro. (SBP PHOTO)

TOKYO, Japan -- Nakalusot ang Gilas Pilipinas sa matinding hamon ng host Japan, para maiposte ang 77-71 panalo sa pagsisimula ng kampanya sa Fiba World Cup Asian Qualifiers Biyernes ng gabi sa Tokyo Dome.

Nabitiwan ng Pinoy ang naitalang 14-puntos na kalamangan at naiwan pa ng mga Hapones ng tatlong puntos ng dalawang beses, pinakahuli sa iskor na 69-72, mahigit isang minuto ang nalalabing oras matapos ang 3-pointer ni Yoki Tugashi bago bumalikwas sa final stretch.

Kasunod ng nasabing triple ni Tugashi, gumanti rin ng 3-point shot si Jayson Castro na siyang tumiyak sa panalo ng Gilas.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nagbuslo ng mga krusyal na baskets ang Asia’s best guard na si Castro habang naging puwersa sa depensa si Roger Pogoy na umiskor pa ng isang breakaway lay up kasunod ng nakuhang offensive foul kay Japan naturalized player Ira Brown upang maagaw ang tagumpay.

Tumapos si Castro na may 20 puntos, 7 rebounds, 6 assist at 1 steal habang nagdagdag si Blatche ng 13 puntos, 12 rebounds, 5 assists at tig-3 steals at blocks.

Susunod na makakatunggali ng Gilas ang Chinese Taipei.

Iskor:

PHILIPPINES (77) – Castro William 20, Blatche 13, Wright 12, Norwood 10, Fajardo 6, Aguilar 5, Abueva 5, Pogoy 5, Ravena 1, Alas 0, Rosario 0

JAPAN (71) – Hiejima 20, Brown 10, Tanaka 10, Togashi 8, Baba 7, Harimoto 7, Shinoyama 4, J. Takeuchi 3, Ota 2, Furukawa 0, Uto 0

Quarterscores: 18-10, 37-28, 59-55, 77-71