KIDAPAWAN CITY – Daan-daang batang mandirigma na ang na-recruit umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa North Cotabato.

Ayon kay Cap. Edwin Encinas, hepe ng public affairs ng 602nd Brigade ng Philippine Army, batay sa mga report na nakuha ng militar, na nasa 200 bata at teenager na ang umano’y na-recruit ng BIFF sa timog-silangang Mindanao.

Wala namang eksaktong bilang ang Army sa kabataang na-recruit ng BIFF sa North Cotabato, na pinamumunuan ni Esmael Abdulmalik, alyas “Abu Torayfe”.

“We monitored their recruitment during the first quarter of the year. It is still ongoing,” sabi ni Encinas. “Hindi natin nilulubayan ang grupo ni Torayfe. Also, tuluy-tuloy din ang forum na ginagawa natin para ‘wag mahikayat ang mga kabataan na sumapi sa BIFF.” - Malu Cadelina Manar

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?