PANSALAMANTALANG umalis sa showbiz si Carla Humphries dahil sa pakiramdam na hindi siya para sa show business. Inamin niya ito sa presscon ng pelikulang Smaller and Smaller Circles nitong Huwebes.

“Medyo nawala po ako for a time, nag-soul searching ako,” sabi ni Carla na gumaganap bilang journalist sa naturang pelikula. “Sad to say that there’s a point of my career na medyo ramdam ko na baka hindi ito para sa akin. Hindi ko masyadong nararamdaman ‘yung pagmamahal ng industriya for me, to be honest. Although I’m lucky to have people like you who always say kind words for me, but dumating sa point na baka hindi nga ito para sa akin.

Carla Humphries
Carla Humphries
“So lumayas ako for a time, I fell in love, typical, na-heart-broken ako, bumalik ako at akala ko hindi na ako babalik kasi parang feeling ko, where do I belong in the industry?

“And nu’ng ‘yung time na nararamdaman ko, dumating itong project na ito sa akin, siyempre ibang karangalan na makasama ‘yung mga co-actors ko and Direk Raya (Martin) handpicked the cast and for me not have been in the scene for them to think of me, sobrang karangalan.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Sana starting this, it will open doors. Meron akong ginawa recently na ‘Nay, I played the young Sylvia Sanchez, and I’m also recurring character in Pusong Ligaw, ‘tapos one of my very close friend, Alessandra de Rossi wrote a script about Diaries of 30 Something which talk about women in their 30’s and their struggles and I’m the youngest coming in their 30’s.

“Even though hindi masyadong maraming ginagawa ko ngayon, sobrang quality ang projects starting with Smaller and Smaller kasi doon na-revive ‘yung love ko for acting and to fight for staying in the industry.”

Overwhelmed ang aktres na pawang magagaling ang mga artistang kasama niya sa Smaller and Smaller Circles tulad nina Nonie Buencamino, Sid Lucero, Bembol Roco, Christopher de Leon, TJ Trinidad, Alex Medina at Ricky Davao kaya kinailangan niyang husayan ang pagganap dahil siya ang baguhan.

“These are all people I admire and respect. Actually, na-interview kami at sinabi ko sa kanila na, ‘baka naman you guys can mentor me’ at pinagtawanan ako. Pero seryoso ako, this has been such an amazing learning experience for me being able na makasama ako ng katulad nila. ‘Kita n’yo naman, for some reason, ako lang ‘yung babae rito at sobrang karangalan iyon at nakakataba ng puso that they gave me that responsibility to be the female entity in the movie.

“Being part of the cast, hopefully I believe it gives me more credibility as an actress. With regards to career path I think especially since I’m coming back to the industry. This is a proud comeback for me to be amongst great actors and a great director and of course TBA who’s been very innovative with their projects and I think the industry really needs them and great minds like Raya.”

Gumaganap si Carla bilang si Joanna Bonifacio sa pelikula, journalist na dating estudyante ni Father Gus (Nonie) at tutulong sa paglutas ng serial killing sa Payatas

“’Yung karakter ni Joanna ay based kay Ms. Batacan (sumulat ng novel na pinagbatayan ng pelikula), nagkaroon ako ng chance to meet her nu’ng bumisita siya sa set nu’ng nagso-shooting kami sa Ateneo at siyempre nakakakaba to portray someone based sa real person at lalo pa writer ‘yung character na ‘yun.

“So, when I met her I was expecting na may specific siyang ibibilin na character o specific siyang expectation, pero sobrang generous ni Ms Batacan dahil talagang ramdam namin hindi lang sa film adaptation but also for may character dahil ibinigay niya ‘yung full trust sa team and to the actors. And they didn’t make me feel na baguhan ako or baka hindi ko ma-meet ‘yung expectations niya, actually very encouraging,” sabi ng aktres.

Sa Disyembre 6 ang opening sa mga sinehan ng Smaller and Smaller Circles na nakakuha ng R13 sa MTRCB, produced ng TBA Studios. –Reggee Bonoan