Ni Marivic Awitan

NAGTALA ng Cinderella finish ang St. Benilde-La Salle Greenhills makaraang ungusan ang dating kampeong Mapua, 75-74,para makamit ang una nilang titulo sa pagtatapos ng NCAA Season 93 juniors’ basketball championship sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Nagposte si Joshua David ng career high 27 puntos, 18 dito ay isinalansan nya sa second half habang nagdagdag si Joel Cagulangan ng 19 puntos kabilang ang dalawang free throws na nagbigay sa Junior Blazers ng kalamangan na siya ring nagpanalo sa Taft-based cagers.

Nakailang beses pang nabigyan ng pagkakataon ang Red Robins na maagaw ang panalo ng Mapua ngunit bigo si Clint Escamis na makatira hanggang maubusan ng oras habang tumalbog lamang sa ring ang huling jumper ni Mike Enriquez.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“If I could name all the players who played for this school, I’m dedicating this to them,” pahayag ni CSB-LSGH coach Marvin Bienvenida.

Nakumpleto ng CSB-LSGH kanilang fairy tale run na nagsimula sa knockout game nila ng San Sebastian para sa huling Final Four spot, bago pinatalsik ang top seed San Beda College bago inagawan ng korona ang Mapua.

“We never won against San Beda last season we never won against Mapua, so that became our motivation including off season games against them in other leagues. But it motivated us and we get to beat them when it mattered the most,” ayon pa kay Bienvenida.

Napili naman si Cagulangan bilang Finals MVP matapos magtala ng average na 17 puntos, anim na rebounds, pitong assists a at tatlong 3 steals sa finals series.

Iskor:

CSB-LSGH (75)- David 27, Cagulangan 19, Jacob 8, Fornillas 8, Marcos 6, Lepalam 4, Mosqueda 3, Perez 3, Morales 0, Pedrosa 0, Sangco 0

Mapua (74) -- Escamis 21, Lacap 13, Gozum 12, Bonifacio 10, Enriquez 8, Ramos 6, Garcia 4, Arches 0, Dennison 0, Jabel 0, Sarias 0

Quarterscores: 15-19; 32-44; 53-56; 22-18