Nagpahayag ng kahandaan si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na sumailalim sa imbestigasyon kaugnay ng dahilan kung bakit inabsuwelto si dating Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon kasong kriminal hinggil sa P6.4 billion shipment ng ilegal na droga.

“I am willing, i-investigate ninyo na naman si Aguirre,” sabi ni Aguirre.

Ilang senador na ang tumuligsa sa desisyons ng Department of Justice (DoJ) panel of prosecutors sa pagbabasura sa reklamo na inihain ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban kay Faeldon at iba pang opisyal ng BoC at ng National Bureau of Investigation (NBI).

“Sasama ko lang ‘yung DOJ panel ko because I have trust in them,” ani Aguirre hinggil sa posibilidad na siya ay imbestigahans.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“I’m sure that we will be able to justify kung bakit naging ganyan ang nagingconclusion,” aniya.

Ipinagdiinan ng Secretary na hindi siya nakialam sa imbestigasyon na isinagawa ng National Prosecution Service (NPC) sa kahit anong kasong inihain sa DoJ.

Sinisi na ni Aguirre ang PDEA sa pagkabigong maglatag ng ebidensiya upang makumbinse ang panel of prosecutors na kasuhan si Faeldon at iba pang mga opisyal ng gobyerno.

kahit anong ebidensiya ang ipakita sa Senate inquiry tungkol sa illegal drugs shipment, ipinagdiinan ni Aguirre na responsibilidad ng PDEA na mangalap ng ebidensiya at iharap ito sa panel of prosecutors sa preliminary investigation.

“Hindi na katungkulan ng panel ‘yan. Ang dapat mag-submit ng ebidensya para magkaroon ng probable cause against some of these customs officials ay ‘yung complainant,” sambit ni Aguirre.

“Meron tayo principle sa batas,” ayon kay Aguirre. - Jeffrey G. Damicog