BAMAKO (AFP) – Nasa tatlong peacekeepers at isang sundalong Malian ang napatay sa atake sa hilagang-silangan ng Mali, sinabi ng MINUSMA mission to the country ng UN nitong Biyernes.

Bukod sa inisyal na bilang ng namatay, iniulat na isa pang sundalong Malian at ilan pang peacekeeper ang sugatan, ilan ang kritikal, base sa pahayag ng MINUSMA.

“This morning, a detachment of the MINUSMA force repelled an attack during a coordinated operation with FAMAS (Malian armed forces) in the Menaka region,” nakasaad sa pahayag ng MINUSMA.

“This operation to protect civilians in the region also aimed to bring medical assistance to people in need,” pahayag ni Mahamat Saleh Annadif, head ng MINUSMA.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina