Ni: Madelynne Dominguez at Mary Ann Santiago

Pansamantalang itinigil ang trabaho at transaksiyon sa Taytay City Hall matapos nitong makatanggap ng bomb threat kahapon.

Ayon kay Superintendent Samuel Delorino, hepe ng Taytay Police, may tumawag sa Public Information Office ng Taytay City Hall at sinabing mayroong magaganap na pagsabog RTC Branch 100, sa ikalawang palapag, na matatagpuan malapit sa city hall.

Kinordonan ng awtoridad ang lugar at ipinag-utos sa mga empleyado na lisanin ang kani-kanilang opisina habang isinasagawa ang paghahanap sa bomba, gamit ang bomb sniffing dog.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Natanggap ang bomb threat pasado 9:00 ng umaga kahapon.

Makalipas ang isang oras, idineklarang ligtas ang lugar at walang nakitang bomba.

Napag-alaman na ito ang ikalawang pagkakataon na nakatanggap ng bomb threat ang Taytay City Hall.

Naganap ang una noong Setyembre 2016 na isa pa lang panloloko.

Naibalik sa normal ang operasyon sa city hall.