Ni LITO T. MAÑAGO
MAHIGIT dalawang taong binuno ni Rocco Nacino ang kanyang Master’s Degree in Nursing (MAN) at mahigit isang taong kinarir ang kanyang thesis bago niya nasungkit ang pinakaasam na diploma at karangalan bilang cum laude graduate sa St. Bernadette of Lourdes College sa Fairview.
Nitong nakaraang Martes ng umaga, humarap si Rocco sa panel para i-defend ang kanyang thesis na, “Use of Interactional Parenting and Reciprocal Behavior for Children: Basis for Total Development of a Child” at naipasa niya ito with flying colors.
Sa Instagram nag-post si Rocco ng photo kasama ang tatlong professors na miyembro ng panel at sa kanyang caption, sabi ng aktor, “Finally, another one checked off my bucket list! Passed my thesis defense and am set to graduate as a cum laude this Friday! It’s been a crazy 2 years of balancing everything, and now I am almost at the finish line.”
Ipinagkaloob kay Rocco kahapon ang kanyang diploma bilang Master’s Degree in Nursing graduate at tinanggap din ang medalya bilang cum laude.
Sabi ng former Starstruck 2nd Prince, “Still at a lost for words. They say, ‘Graduations are for parents, it’s our best way of showing them our gratitude and love by valuing education.’
“I am honored to have graduated alongside my batchmates who also kept education as their prority. I salute all of you, our professors and fellow graduates, who will be our game changers of the future. May this also inspire everyone else to aim high and soar high. This is for you mom and dad (Linda and Ralph Nacino). To God be the glory!- Enrico Raphael Q. Nacino, R.N., M.A.N.”
Isa si Rocco sa iilang artista na mataas ang pagpapahalaga sa edukasyon. Karamihan ay dedma na sa kanilang pag-aaral dahil sa fame at fortune. Kapuri-puri at dapat makatanggap ng saludo ang mga katulad ni Rocco na nagpapakita rin ng mabuting halimbawa sa kanilang mga tagahanga.
To Rocco and his parents, congratulations! Ikinararangal ka namin.