Ni: Gilbert Espeña

SASABAK ang 10-anyos na si Dwyane Emeo-Pahaganas ng Escalante City, Negros Occidental sa 18th ASEAN Age Group Chess Championships sa Nobyembre 25 hanggang Disyembre 4, 2017 na gaganapin sa Grand Darul Makmur Hote sa Kuantan, Pahang, Malaysia.

Kabilang ang Grade 5 pupil ng Escalante Central Elementary School sa delegasyon na kinabibilangan din nina Al-Basher Buto, Antonella Berthe Murillo Racasa , Daren Dela Cruz, Queenie Mae Samarita, Cedric Kahlel Abris, Jirah Floravie Cutiyog, Brylle Gever Vinluan, Mecel Angela Gadut, Justine Diego Mordido, Mark Jay Bacojo at iba pa na suportado ng National Chess Federation of the Philippines at ng Philippine Sports Commission.

Si Pahaganas na nagdala ng karangalan sa bansa sa pagkapanalo ng dalawang medalyang pilak at isang tanso sa 2015 Asean Age Group Chess Championships sa Singapore.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakuha rin niya ang runner-up honors sa 2017 National Age Group Chess Championships boys 10 and under na pinagharian ni Cedric Kahlel Abris ng Mandaluyong City.

Halos araw-araw ang ensayo ni Pahaganas at ang kanyang ina na si Cristy Ermeo-Pahaganas na isang school teacher ang kaagapay niya sa academics habang ang kanyang Papa na si Fritz Pahaganas, isang electrician, ang nagpaunlad ng kanyang kaalaman sa chess kasama ang paggabay nina school chess coach Handom Tuanzon at school teacher Elizabeth Villar.